Showing posts with label awit ng Pilipino. Show all posts
Showing posts with label awit ng Pilipino. Show all posts

Monday, November 28, 2011

Itay, Inay Nasaan Ka?



 This is a song/poem I penned three months ago. About the loneliness of a child because parents went abroad leaving the child in the care of someone else.  It pictures the feeling felt by the child:


Nasaan na ang tinatawag na ilaw ng tahanan

Nasa malayo nagsisilbing magulang nang

Mga anak ng kanyang among pinagsisilbihan.

Hindi alam kung kailan muling mabigyan



Ng pagkakataon na Makita Ang anak na naghihintay

Nasaan na ang tinatawag na haligi ng tahanan

Nasa malayo nagsisilbing utusan nang

Kanyang among gustong-gusto niyang tularan

Hindi alam kung kailan muling mabigyan

Ng pagkakataon na makita

Ang anak na naghihintay


KORO

Itay, inay nasaanka?

Init ng inyong yakap ay lumamig na

Pinalitan ng perang pinapadala

Pambili ng Ice cream para malimutan ka. Itay, inay nasaan kayo?

Kailangan ko ang mga yakap nyo

H’wag nyo sanang bayaran

Ang hinihiling ko Kailangan ko ay kayo

Nasaan na ang mga ilaw at haligi ng tahanan

Nasa malayo naghahanap buhay para

Sa kinabukasan ng anak na minamahal daw

Ngunit ang hindi ko maintindihan

Taon-taon na ang nakaraan di pa

Umuuwi mga apo na ang binubuhay



Tuesday, November 22, 2011

HINAGPIS SA ABROAD (CAREGIVER’S WOES)


Being away with our family could bring out the best of us, especially, in writing.  One of which is to compose poems, and songs where we tell our feelings when no one is there to listen and give us a shoulder to cry on.   "Hinagpis sa abroad(Caregiver's Woes)" was composed by me when I was thinking how hard was it to be away from our love ones sacrificing almost everything just to give them the best we can give as a parent, a child, and as a brother or a sister, 

I hope this can give an idea to those who's love ones are away, that life abroad is not the best, but one of the worst experience any family would have. 

I hope that thru this song something must be changed and that OFWs not be promoted again as the unsung heroes just to ease the pains they feel, and continue sacrificing to save the country from the corruptions, and selfishness of people who were assigned by the Lord to lead the country from the rot its in.

              1

Kapag amo’y masungit                                                                            
Inis mo’y di masambit                                        
Iyo na lang kinikimkim
Hinagpis sa iyong dibdib
‘Pag s’ya naman ay makulit
‘Di ka pwedeng magalit
Dahil iyong iniisip
Na s’ya ay may sakit
      Iyo na lang tinitiis
     Iyo na lang tinitiis
     Iyo na lang tinitiis

Koro 1
T’yaga lang kabayan
Ang iyong kailangan
Yan ay puhunan
Sa pag-unlad ng buhay
O, kay hirap nitong buhay Pilipino
Kailangan pang lumayo
Para umasenso
Magsilbi sa hindi kadugo.

              11
Sa gabi’y puyat ka
Dahil tinatawag ka
Kahit ikaw ay hirap na
Wala kang magawa
Ang mahirap pa nito
Minsan ay inaabuso
Amo mong matino
Lalong pahirap sa ‘yo
    Sa sobrang pagod mo
    Sa maghapon
    Tuliro na ang utak mo.

Repeat Koro….

,br />


           111
Kay hirap talaga
Nasa ibang bansa
Nagsasakripisyo ka
Para sa pamilya
Kahit oras ng pahinga
Ay kumakayod ka
Para madagdagan pa
Dolyar na maipadala
    Makaahon ka lang sa hirap
    Wala nang pahinga
     Ang iyong katawan.

Koro 11
O, kay hirap nitong
Buhay Pilipino
Kailangang lumayo
Para umasenso
Pamilya mo’y iniwan mo
Lupa’y isinangla mo
Magpakahirap ng todo
At magsakripisyo
Baka sakaling buhay ay
    umasenso!!!

Thursday, October 6, 2011

Tatak na Malas!

TATAK NA MALAS! 
By: C’ZAR 


 
Kabayan, totoo yata ang kasabihan
Na kung minsa ang kapalaran ng tao ay sadya ng nakatatak
Tatak na dito mo makikita kung s’ya’y swerte o malas!


Baka nga totoo!
Dahil ng aking suriin kung mayroon akong tatak
Ako’y nagulat sa aking natuklasan
Mayroon nga akong tatak!
Tatak na sa pakiwari ko’y hindi swerte kundi malas!


At hindi lang ako kabayan
Ikaw ay mayroon din nito!
At kahit saan man tayo magpunta
Dito nila tayo nakikilala kung sino tayo.


Noon taas noo kong sinasabi
At ipinagmamalaki ang aking tatak sa lahat!
Subalit ngayon ay nanlulumo ako na ito’y sabihin!
Oo, ngayong alam ko na ang sinisimbolo nito
Hindi ko alam kung ito’y aking ipagmamalaki pa rin, o, ikakahiya!


Kabayan, alam nating lahat
Na ang tatak na inilagay sa atin ay parangal
Sa hari ng dayuhang sumakop sa atin!
Ito’y simbolo na tayo’y inari at parang hayop na inalipin!


At ako ngayon ay naniniwala
Na ito ang sanhi ng malas natin!
Dahil sa mahigit isang-daang taon na sinasabing kalayaan natin
Wala tayong asenso kung hindi tayo magpapaalipin!!!


Sa aking pagmumunimuni, kabayan
Ito ang nalaman kong katotohanan!
TAYO’Y ALIPIN PA RIN!!!
Dahil dalawa lamang ang gating pagpipilian
Kakapit ka sa patalim, o, mamatay ka sa kahirapan!
At ang sinsabi nilang ating kalayaan
Ay kalayaan lamang na mamili ng among ating pagsisilbihan!!!


Ngayon ang tanong ko sayo kabayan
Kailan tayo kikilos para burahin na ang sanhi ng malas natin?
Kailan tayo kikilos para gumawa ng tatak na sariling atin,
Baka sakaling matanggal na ang malas natin!!!