Sunday, December 11, 2011

Ang Batas sa Mata ng Batang Anak OFW




Bago ako umuwi noong 2010, namasyal muna ako sa kaibigan ko sa Tel-Aviv.  At siyempre, inuman, pulutan, at kuwentuhan. 

Sa aming kuwentuhan ay nabanggit namin ang tungkol sa buhay Pilipinas.  Magmula sa klase ng buhay, trabaho, kurapsyon sa gobyerno, at klase ng batas sa Pilipinas na kung saan medyo tumagal ang mga palitan namin ng mga kuro-kuro kagaya ng disiplina ng mga tao pagdating sa pagpapatupad at pagtupad sa batas.

Habang pinag-uusapan namin ang batas ng Pilipinas, di naiwasan na maikumpara namin sa batas sa Israel at kung papaano ito itinuturo sa eskwelahan, at kung papaano ito sinusunod ng mga mamamayan.

Syempre pagdating sa ugaling Pilipino tungkol sa pagsunod ng mga tao sa batas para sa ikabubuti ng lahat ay puro batikos ang inabot sa amin.  Pero hindi naman lahat ay masama ang sinabi namin. Natutuwa nga kami na pinagkuwentuhan kung papaano nakakalusot ang mga mamamayan sa kanilang katigasan ng ulo, at kawalang hiyaan, na dahil makatao daw ang mga nagpapatupad ng batas ay pikit mata na lamang na pinababayaan na yurakan at ipagwalang bahala ng mga tao ang mga nakasulat na batas pantao.

Pero ng ikumpara namin sa batas ng Israel – kung papaanong ipinapatupad nito ang mga alituntunin na walang pinipili, kahit sino pang mataas na tao sa kanilang gobyerno, ay abot langit ang aming pagsaludo at respeto sa bansa.  Na kahit maliit ay malakas siya at kinatatakutan ng malalaking bansang Muslim. 

Dito naikuwento sa amin ni Pareng Noel ang tungkol sa apat na taong gulang na anak na babae ng kumpare niya.





Isang hapon ng biyernes na kung saan nag-umpisa na ang araw ng Shabat o Sabado sa mga Hudyo ay naganap ang isang pangyayari, kung saan talaga namang nakakabilib ika nga para sa isang batang apat na taong gulang lamang na alam sundin ang batas.  

 Ayon sa kuwento ni pareng Noel, umuwi daw ang mag-anak galing yata isang kasiyahan sa parke o sa isang apartment ng kapwa Pilipino din.  Sila ay nagmamadali sa paglalakad dahil may mga bitbit at kargadang medyo mabigat na kaldero at lamisa na ginamit. Narating nila ang krosing na may mga ilaw pangtrapiko. Sa kabila ng kalsada ay ang kanilang flat.  Tamang-tama na pagdating nila sa krosing ay pumula ang ilaw.

Pero dahil nag-umpisa na ang Shabbat, halos wala ng sasakyan na dumadaan. Kung meron man, ay mga sasakyan na lamang ng mga hindi relihiyoso, o mga palestiniyan, at ibang lahi na may sasakyan.  Dahil bakante ang kalsada at walang sasakyan na dumadaan pagdating nila doon, ang ginawa ng mag-asawa ay dumaan sila kahit nakapula ang ilaw.  Sa pagmamadali, di nila napansin na nagpaiwan pala ang kanilang anak na sumusunod sa kanila sa gilid ng krosing.

Dahil sa kabila lang naman ng krosing ang kanilang apartment ay madali silang nakarating.  Pero medyo hiningal sa pag-akyat sa ikalawang palapag na flat nila.  Pag-upo nila napansin nila na wala pa yong kanilang anak.  Kaya nagtanungan sila kung nasaan ang kanilang anak.

Habang sila ay nasa ganoong situwasyon na nagtatanungan, bumukas ang pintuan at saka biglang bumalibag sa pagsara.  Imbes na matuwa silang mag-asawa dahil dumating ang kanilang anak at wala na silang pagtatalunan, sila ay natulala at natahimik na parang mga bata na pinagsasabihan ng mas matanda sa kanila.

Kasi daw, sabay sa pabalibag na pagsara ng kanilang anak sa pintuan ay galit na galit itong nagsesermon, sabay nakapamaywang ang isang kamay at umaaksyon ang isang kamay, at ang sabi ay, “Lama, lama ima, aba? Lama? Si adom….adom…!”(Bakit, bakit nanay, tatay?  Bakit? Pula, pula…!”) ang sigaw daw sa pautal-utal niyang hebro na salita.   Kahit hindi nakumpleto ng anak nila ang mga sinasabi ay naintindihan nila na siya ay nagalit dahil lumiban sila sa krosing kahit pula ang ilaw.  Ito kasi ay itinuturo sa mga bata sa kanilang pinapasukan na Gan Yeladim o Daycare Center. At dahil alam nilang sila ay mali ay tumahimik na lang sila at nangako na hindi na nila iyon uulitin.

Natawa kaming mga nakikinig, pero alam namin na iyon talaga ang dapat gawin.  Ang sumunod sa batas.  Lalo na sa ating mga magulang dahil tayo ang mga tinutularan ng ating mga anak.




8 comments:

  1. Sana'y lahat din ng bata dito sa Pinas, lalo na yung mga nasa urban area ay maging conscious din sa mga batas sa lansangan. Nang sa gayon, paglaki nila'y conscious din nilang susundin ang mga ito nang maayos.

    Miss N of
    http://nortehanon.com

    ReplyDelete
  2. Sana nga...kapag nadisiplina natin ang mga bata ng dapat nilang gawin, natitiyak ko na mababago din ang ating gobyerno at pamumuhay sa Pinas!

    Thank you for the visit and leaving your thoughts.

    ReplyDelete
  3. Ako man ay guilty sa mga ganyang senaryo sa lansangan. Kahit nga maraming sasakyan, basta kayang makatawid, tatawid talaga ako. Kung kamatayan lang ang hatol sa jay walking, ika-pitompu't pitong beses ko na sigurong buhay 'to ngayon. Tayo kasing mga pinoy, walang disiplina. Yun na yon. Hehe.

    ReplyDelete
  4. Uh, my Idol Goyo, Maraming salamat at nakapasyal ka dito sa simpleng lungga ng aking mga Bloga...

    That's the general trend at in-na-in sa bansa natin kaya kasalanan ba natin kung yon naman ang uso, hehe...

    Kaya pagpunta natin sa ibang bansa ay laging tayo ang nauunang pasaway, dahil ganon nakikita natin sa mga paligid na kinalakihan. Pero pag sa kapaligiran mo ay nakikita mong sumusunod sila sa patakaran, ay nabubuyo ka rin na sumunod sa nakakarami.Nakita ko yon sa sarili ko mismo sa ibang bansa.

    Totoo na dito sa ating bansa ay parang ang sarap nga pakiramdam na nalulusutan mo ang mga mabibilis na sasakyan - kaya sa totoo lang nakakaadik makipagpatintero sa mga tumatakbong sasakyan.

    But the point is, if we cannot discipline ourselves with small things, how can we discipline it in bigger things...

    ReplyDelete
  5. Ang kagandahan din dito sa Israel, ang mga bata ay aware sa pngyyari sa knilng pligid. Hindi ktulad sa atin na pg bata ka, bawal mkialm sa usapng mtnda, kya ayun, karaniwan, lumalaki ang mga batang pinoy ba walng muwang sa nangyyari sa bansa lalo na sa usaping politikal. Dito, kpag shabbath, sa hapag kainan hbng kumahain, kasama ang mga bata sa diskusyon, at minsan nakkabilib kung paano sila magkomento tungkol sa knilang gobyerno.

    ReplyDelete
  6. Wow, you said it right in between the eyes, proud pinay... Iyan ang isang nagpapalungkot sa akin noon. Ang sarap isipin na sana ganyan din ako ng aking mga anak.... diyan ko nakita ang tunay na samahan ng pamilya. Hinid bawal na kahit bata ay sinasabi ang nasa kanyang isip, at kahit mali siya ay hindi pinagagalitan bagkus ay kinokontes ang kanyang opinion para maipaliwanag niya kug bakit niya nasabi ang ganoon.

    Kaya kahit nagbabangayan usually pag natapos ang usapan ay parang bale wala ang nangyari, di gaya sa atin na nagtatanim tayo ng hinanakit, at dina nag-iimikan.

    Nang makita ko yan sa aking mga naging amo ay lalong tumindi ang pag-aasam ko na makauwi na para habulin ang mga "Underage" ko pa na mga anak - kahit ibig sabihin ay balik sa ulam na tuyo muli, pero sabi ko atleast mapapakain ko na sila ng aking mga kaalaman sa buhay at hindi ang mga masasamang barkada, at gangs ang magpapakain sa kanila.

    Thank you Proud Pinay for that piece of reminder. Marami talaga tayong matutunan din sa pagta-travel which we can use para sa ikabubuti ng ating buhay at ng ating bansa.

    ReplyDelete
  7. haha,napagalitan ang mga magulang ng anak nila.buti pa ang bata alam na nag tama at mali .buti nalang din hindi siya naaksidente sa kalsada.

    ReplyDelete
  8. Nakakatawa nga, eh, but nakakahiya din kung iisipin natin na mismong anak natin ang magtuturo sa atin ng mga dapat gawin...

    ReplyDelete