Ang pangalan ng ating bansa ay simbolo ng isang alipin. Ito ay parang tatak na tayo ay pagmamay-ari ng isang amo na pinagsisilbihan natin. Bagaman masasabi natin na tayo ay malaya na sa kamay ng amo na ito, ang tatak ay hindi pa rin nabura sa ating katawan.
May kasabihan ang mga matatanda na ang marka sa katawan ng tao ay pwedeng marka na malas o marka ng pagiging swerte. At kung ating iisipin, bakit kug totoo na tayo ay malaya na, bakit kahit sa ayaw o gusto natin ay lumalayo tayo at pilit na nagpapaalipin sa ibang bansa? Bakit kailangan natin na magsakripisyo ng dugo at buhay para lamang guminhawa ang ating pamumuhay?
Bakit sa kabila ng kayamanan ng ating mahal na bansa ay hindi natin ito mapakinabangan? Bakit hindi tayo nagkakaroon ng magandang buhay, samantalang kumpara sa ibang bansa na sinakop ng mga dayuhan ay nauna pa tayong lumaya, pero bakit sila ngayon ay mas mayaman na?
Dapat maging buo ang ating kalayaan. Burahin na natin ang pangalan ng dayuhan na umalipin sa atin. Oo, palitan na natin ang pangalan na Pilipinas! Dahil ito ay ang pangalan ng hari noon ng bansang umalipin sa ating mahal na bansa ng 300 daan na taon. Naniniwala ako na bago nila tayo inalipin ay may sariling pangalan ang ating mahal na inang bayan. Yon nga lamang at nawala ito kasabay ng pagkawala, at pagkabago ng sarili natin na titik, kultura, at tradisyon.
Kung papalitan natin ang pangalan ng ating bansa, ano ngayon ang magandang pangalan nya? Ito ay matagal ng pinagpapalitan ng galing sa mataas na sangay ng gobyerno natin subalit hindi sila nagkaunawaan dahil wala silang mapagkaisahan na pangalan, gaya ng pangalan na Maharlika, at Manila. Kaya nanatili ang tatak na Pilipinas sa atin.
Pero ang pagkabigo nila noon na magkaisa sa pagpapalit ng pangalan ng bansa natin ay hindi ibig sabihin na tapos na ang usapin. Dahil, kung hindi man tayo ang magkaayos ngayon, alam ko na sa mga susunod na henerasyon ay mayroon maipapanganak na makakaisip na hindi dapat na Pilipinas ang pangalan ng bansa natin at siguradong ilalabas pa rin ang usapin na ito para pag-usapan.
Isa tayo sa henerasyon na iyan, at aking tatanungin sa inyo kung ano ang magandang pangalan na ipapalit natin sa pangalan ng ating bansa?
At kung ako ang inyong tatanungin mga mahal kong kababayan ay, PERLAS NG SILANGAN (puwede rin na PERLAS lang) sa sarili natin na wika at sa englis ay PEARL OF THE ORIENT(or simply PEARL). Ito ay batay sa pambansang awit natin na Bayang Magiliw, at saka nabanggit din ng ating GAT Jose Rizal sa kanyang mga sulat. Ang mga ibang bansa ay kumbinasyon din na naglalarawan sa kanilang bansa, gaya halimbawa ng: United States o Estados Unidos, United Kingdom o Britanya.
Kabayan, ano ang iyong palagay/opinion sa bagay na ito?
1. Gusto nyo ba na palitan ang pangalan na Pilipinas?
2. Boto ka basa pangalan na PERLAS NG SILANGAN O PEARL OF THE ORIENT?(Kung Payag ka sa
pangalan na ito, ano ang dapat na itawag sa atin na mga mamamayan?)
3. Mayron ka bang maimumungkahi na pangalan na mas nababagay sa ating inang Bansa?
ang haba naman ng perlas ng silangan ,ayaw ko. pwedeng palitan pero matagal ,magastos ,mahabang proseso .mangunguwarta lang ang mga linta sa gobyerno.Maganda na ang Philipines,ayaw ko ng palitanbaka kasi pagpinalitan isunod pa kay Pangulong Noynoy or sa mga magulang nya or worst ay maging Cristeta country.Ay ang sagwa!!! Hehe ,nice post ,napaisip mo tuloy ako kung ano nga kaya ang original name ng bansa natin.
ReplyDeleteHehe, iyon nga rin inaalala ko, at ng ibang nakausap ko, baka daw mamaya bigla na lang sabihin na noynoy country ang bansa natin,.. Pero ilang beses na rin nailabas ang mungkahi na ito a about a decade back, pero wala silang maisip na magandang Pangalan kaya natahimik na lang. But, I believe na one day, pag-uusapan uli ang paksa na ito by the future generations when they will become more patriotic.
ReplyDeleteThank you for sharing your opinion.