Wednesday, November 23, 2011
Gloria Macapagal Arroyo: Bayani ba o Hindi?
Kung pumanaw si GMA, nararapat ba siyang ilibing sa Libingan Ng Mga Bayani?
“Sa ilalim ng AFP Regulations G 161-373 o The Allocation of Cemetery Plots at the LNMB, bukod sa mga beterano ng digmaan at mga dakilang sundalo, ilan pa sa mga maaaring ihimlay sa LNMB ay ang mga naging pangulo ng bansa, secretary ng national defense, AFP Chief of Staff, at mga dignitaryo, statesmen, national artists at iba pang pumanaw na personalidad na binigyan ng pahintulot ng pangulo ng bansa, ng Kongreso o ng defense secretary na mailibing dito. -- FRJimenez, GMA News …. http://www.gmanews.tv/story/236929/odds-and-ends/dating-tawag-sa-libingan-ng-mga-bayani”">http://www.gmanews.tv/story/236929/odds-and-ends/dating-tawag-sa-libingan-ng-mga-bayani”
Sa nangyayari ngayon, kay Ginang Glorya Macapagal Aroyo, mukhang meron uling isang naging president na magiging kontrobersyal ang kanyang huling hantungan!
Oooopppsss, masyado bang maaga? Hmmmm, sa tingin ko ganoon ka-advance mag-isip ang mga tao, eh. Kung ito’y aking naiisip, naniniwala ako na marami din ang nakakaisip sa tanong na ito. At mabuting mapag-usap-usapan na ng mas maaga para mapaghandaan na ng gobyerno ang mga dapat na hakbang para hindi na naman sila malilito pagdating ng oras, at para mapaghandaan na rin ng mga mamamayan.
Kung ang kanyang pagpunta sa ibang bansa sana para magpagamot ay hindi pinaunlakan “despite those pitiful look effect with matching wheelchair” at kahit ang korte suprema ay nagmistulang walang silbi, naiisip ko na “Ano kaya ang mangyayari kay Ginang GMA kung siya ay kukunin na para doon na sa kabilang buhay gagamutin?”
Hindi ako manghuhula, pero bilang caregiver ng sampung taon, ang epekto ng mga nagyayari sa kanya, gaya ng ulcer like na karamdaman, matamlay na pagkain, at stress na kalauna’y nagiging depresyon, idagdag pa riyan ang masamang epekto mga gamot na iniinom, nakikita kong bilang na ang araw ng dating pangulo kung hindi pa siya tantanan sa mga ikinakaso sa kanya - unless na pang-Famas ung mga nakikita natin sa TV at mga media.
Kung ako’y tatanungin, baka matagal ang dalawang taon. Pero sana naman ay malusutan niya ito, dahil alam kong mas gugustuhin ng mga mamamayan na nakikita siyang naghihirap kaysa mamayapa kaagad(Well, ganyan katindi magtanim ng galit ang mga Pinoy, eh)
At sa matinding galit sa kanya ng pamahalaan at ng mga ibang taong bayan, na halos isisi sa kanya ang lahat ng kasalanan sa mundo, “Ililibing kaya siya sa libingan ng mga bayani?”
Sa aking hinuha, ay malaking “HINDI” ang sagot. Nasisiguro kong ito ay ipagkakait din sa minsan ay naging lider ng bansang Pilipinas.
Bakit?
Kung ating pagmamasdan ng mabuti ang reaksyon ng mga mamamayan, ang tingin kay Ginang Macapagal-Arroyo ngayon ay siya ang dahilan ng paghihirap ng buong Pilipinas – “halimaw” ang tingin sa kanya ngayon. At bilang isang tao na gumawa ng hindi karapatdapat sa bansang mahal ay hindi nararapat na ilibing sa Libingan ng mga Bayani, dahil ang mga inililibing lamang doon ay mga mabubuting tao lamang.
Malaki ang posibilidad na ito ay manyayari, at magiging isang malaking dagok-insulto sa dignidad ng mga Arroyo. Sa mga gaya kong mahilig sa pelikula, alam na natin ang susunod na drama, ipaglalaban na walang ginawang kasalanan si GMA - na siya ay biktima lamang ng maruming pulitika.
Hold your breathe mga kabayan, isang suspense at true story is in the making. Nasasaksihan natin ang isang tunay na storya ng buhay. At ang maganda nito, kasama tayong lahat na mamamayan sa sotrya, at hindi lang ekstra, dahil kung ano man ang katapusan ng drama ay apektado rin ang ating buhay!
Ano kaya ang mangyayari? Paglalabanan na naman kaya ito sa hukuman? Ngayon pa lang ay alam na natin na siguradong ito ay aabot sa katas-taasang hukuman ng ating bansa - ang Korte Suprema? Pagdating sa korte suprema, ano kaya ang magiging desisyon? Ang suspens dito Kabayan ay alam naman natin na hindi pwedeng pagkatiwalaan ang anuman na desisyon ng Korte suprema. Ano kaya ang desisyon ni DOJ de Lima at Pangulong Noynoy? At bilang kasama sa drama, siguradong may gagawin na pagsusuri sa ating mga mamamayan kung ano ang ating opinyon - at nasisiguro ko na doon ibabatay ng administrasyon ang husga kay GMA! Mababaliwala na naman ba ang ating batas konstitusyon?
Ngayon, kung ikaw ang tatanungin, ano ang sagot mo sa tanong na ito, “Bilang naging isang presidente ng bansang Pilipinas, payag ka bang ilibing si Ginang Gloria Macapagal-Arroyo sa libingan ng mga bayani?”
Location:
Philippines
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
para sa akin, hanggang kay FVR lang siguro ang pagpayag na malibing sa libingan ng bayani.
ReplyDeleteFor erap.... may magrereklamo. same goes with GMA...
If in case na walang sumingaw na kabulukan sa admin ni pnoy, then probably isama sya sa listahan.
For me, yes, a president is a president. the problem is masyadong feeling genius at tama ang pinoy that they think they have the capability to decide.
Thank you for the insights Khantotantra(what a unique name).... hmmm, Yah, you are right people will also be questioning Estrada. Pero baka makakalimutan na ang mga kasalanan niya, dahil medyo maigsi ang memorya ng mga pinoy, eh. Kung ano ang in yon lang ang napapansin, malas lang kung pupulitikain....
ReplyDeleteMaraming salamat sa komento mo sa latest entry ko. HEHE. Siguro ay bagong dalaw ka lang dun kaya hindi mo pa gamay ang paraan ko ng pagsusulat mula title hanggang ending. Wala akong sinusunod na panuntunan sa pagsusulat ng karanasan at paggawa ng Maikling kwento. :( HEHE.
ReplyDeleteSalamat pa rin po, kapag may oras kayo, bisitahin nyo ang iba pang mga nakasulat dun. Makikita nyo ang, puso. LOL!
Maraming salamat sa mga komento, sir. Appreciated 'yun lahat! Salamat po ulit. :)
ReplyDeletewelcome, goyo...hope we can have more writers like you...
ReplyDelete