Monday, November 28, 2011

Itay, Inay Nasaan Ka?



 This is a song/poem I penned three months ago. About the loneliness of a child because parents went abroad leaving the child in the care of someone else.  It pictures the feeling felt by the child:


Nasaan na ang tinatawag na ilaw ng tahanan

Nasa malayo nagsisilbing magulang nang

Mga anak ng kanyang among pinagsisilbihan.

Hindi alam kung kailan muling mabigyan



Ng pagkakataon na Makita Ang anak na naghihintay

Nasaan na ang tinatawag na haligi ng tahanan

Nasa malayo nagsisilbing utusan nang

Kanyang among gustong-gusto niyang tularan

Hindi alam kung kailan muling mabigyan

Ng pagkakataon na makita

Ang anak na naghihintay


KORO

Itay, inay nasaanka?

Init ng inyong yakap ay lumamig na

Pinalitan ng perang pinapadala

Pambili ng Ice cream para malimutan ka. Itay, inay nasaan kayo?

Kailangan ko ang mga yakap nyo

H’wag nyo sanang bayaran

Ang hinihiling ko Kailangan ko ay kayo

Nasaan na ang mga ilaw at haligi ng tahanan

Nasa malayo naghahanap buhay para

Sa kinabukasan ng anak na minamahal daw

Ngunit ang hindi ko maintindihan

Taon-taon na ang nakaraan di pa

Umuuwi mga apo na ang binubuhay



No comments:

Post a Comment