Isang bagay ang laging
bumabalik sa aking isip tuwing naaalala ko ang buhay ng isang OFW – kung bakit
karamihan ay walang magandang nangyayari sa buhay kahit ba tumagal sila ng
ilang taon sa ibang bansa.
Noong
panahon na ako’y naroon, lagi kong iniisip, “Ano ang gagawin ko para sa madaling panahon
ay makauwi na ako,” at syempre, na sana sa aking pag-uwi ay meron akong uuwian na
panggagalingan ng ikabubuhay ng pamilya ko - na hindi ko na uli iisipin ang
magbalik abroad. Lahat kasi ng kilala kong nag-abroad sa aking lugar, ay
bumalik ulit kahit na gusto na sanang manatili sa piling ng pamilya. Pero dala
ng walang pagkakakitaan at lumalawak na pagkagastusan, ay pikit mata at kagat
ang labi na muling lumayo para sa “komon-rason” – kinabukasan ng mga anak!
Noong ako’y nasa lupain ng
mga hudyo, sinubukan kong ilabas ang aking nasa isip sa mga kasamahan
doon.
Una, ay sa organisasyon na
aking sinalihan. Sinabi ko na ang
organisasyon namin ay katulad ng isang higante na kapag gumalaw at gagamitin ang lakas, malaki
ang magagawa niyang ikabubuti ng lahat ng miyembro. Inilahad ko ang isang plano
– kami ay magkontribusyon ng pera at magpapatayo ng isang kooperatiba sa aming
lugar sa Pilipinas para magtayo ng negosyo na ang bawat miyembro ay magkakaroon
ng dibidendo. Subalit sa una pa lang ay
sinalubong agad ng malakas na hindi pagsang-ayon mula sa mga inaasahan ko na
lider. At karamihan sa mga miyembro ay sumunod sa kanila. Inilahad ang lahat ng negatibong rason at
wala man lang nagtanong kung papaano ang gagawin sana para mapag-aralan kung
may pag-asang magtatagumpay.
Pangalawa, ay binanggit ko
sa mga kabarkada ko habang kami ay nag-uusap tungkol sa buhay ng Pilipinas,
pero kaagad ang sagot ay bakit daw yon ang pinag-uusapan namin. Ang importante maayos ang trabaho namin at
nagpapadala ng pera ay ayos na. Kasunod
ng mga negatibong rason at halimbawa ng mga sumubok na lahat ay walang
nangyari. Nariyan ka na walang pag-asa
ang negosyo sa Pilipinas, at mga pera ng miyembro na itinakbo ng mga nagtatag. Sa
ganoong sagot ay napailing ako at dismayado na gaya noong una ay walang
makikinig sa akin. Sabagay sino nga ba
naman ako, at totoo naman ang mga rason nila, eh.
Subalit ako’y di pinapatulog ng isipin ko – ganoon na lang ba
kami habang buhay - isang OFW. Laging sumisiksik sa isipan ko ang mga nakita
kong ex-abroad na sana ay gusto ng manatili sa piling ng mga anak, pero bumalik ulit at iniwanan ang kanilang pamilya. At ang totoo ay meron din akong mga pinsan na
maliliit ang mga anak ng iwanan, at ngayon may mga apo na - pero naroon pa rin
sila. Ako nga apat na taon lang yong
aking panganay ng iniwan ko at ang bunso ko na pangatlo ay isang taon lamang!
Kaya minsan na may mga kakilala
akong kababayan nag-iinuman sa ibaba ng apartment na tinitirahan namin, nakiupo
rin ako at tumagay, para makipagkuwentuhan at makibalita kung anong isyu.
Sa gitna ng kuwentuhan na
ang paksa ay buhay Pilipinas na, nailabas ko uli yong aking nasa isip, at
napatanong ako tungkol sa kung ano mga plano nila at ano na ang mga proyektong
naumpisahan. Subalit, biglang binago ang usapin na ang sabi bakit daw yon ang
pinag-uusapan namin. Mga pagod sa trabaho at minsan lang makalabas kaya inuman
na lang at magpulutan. Total kahit ano
gawin daw ay wala naman talagang pag-asang magtatagumpay ang negosyo sa
Pilipinas dahil pinapatay ng mga malalaking negosyante, at mga kababayan na
ugaling “Talangka!” Kaya tuloy ang
inuman, at gaya ng lahat ng mga kuwentuhan ay napunta sa payabangan.
Ang
isa nagkuwento tungkol sa ilang kababayan na babae ang natikman at kung sino
ang mga babaeng gusto pang “Tuhugin” kong magkaroon siya ng pagkakataon na
maangkin. Meron naman ipinagyabang na
may natikman na babaeng banyaga. Yong
iba naman ay ipinagyabang yong mga binugbog na Thailander, at yong isang
kababayan na hinusgahang traidor dahil umawat siya at mistulang yong Thailander
pa ang kinakampihan. Meron din ipinagyabang, na kahit di na siya magtrabaho ay binubuhay naman siya ng mga babaeng "koleksyon" niya at inaanakan lang.
Pakiramdam ko noon ay "Out-of-place" ako. Mabuti na lang marami na akong mahangin na naging kasama noong kapanahunang ako'y wala rin sa landas kaya tumahimik na lang ako - sabay tungga sa bote ng beer at pulot sa pulutang hita ng manok na niluto sa oven, at higop sabaw ng "papaitan" karne ng kambing!
Pakiramdam ko noon ay "Out-of-place" ako. Mabuti na lang marami na akong mahangin na naging kasama noong kapanahunang ako'y wala rin sa landas kaya tumahimik na lang ako - sabay tungga sa bote ng beer at pulot sa pulutang hita ng manok na niluto sa oven, at higop sabaw ng "papaitan" karne ng kambing!
Marami
pang beses na tinangka kong buksan ang paksa at plano sa mga kababayan at mga
kaibigan, pero iisa ang payo sa akin – “Walang mangyayari diyan kabayan/kaibigan, dahil
corrupt ang gobyerno natin at alam naman natin ang utak talangka na mga
kababayan natin.”
Hindi
naman ako lubusan na bigo, dahil may mga kababayan pa rin na naniwala sa aking
adhikain at meron kaming itinayo na grupo na ang bisyon ay kalayaang pinansyal
sa bawat miyembro, lalo na sa mga OFW.
Ang misyon ay makauwi sana ang lahat ng miyembrong OFW, at dina sana
iiwanan uli ang pamilya.
At totoo nga ang mga narinig kong kinatatakutan ng mga kababayan na una kong pinagsabihan ng aking plano – katakot-takot na pagsubok ang pinagdaraanan ng grupo mula sa umpisa hanggang ngayon. Isa na riyan na lokohin ka ng pinagkatiwalaan mo, at mga mapanirang nasama sa grupo. Idagdag pa ang personal na pagkabigo sa mga plano mong pangkabuhayan dahil sa mga mapagsamantalang kababayan. Minsan panghinaan ka ng loob at matatakot dahil parang ang hirap abutin ang “kaitaasan ng matarik na bundok.”
At totoo nga ang mga narinig kong kinatatakutan ng mga kababayan na una kong pinagsabihan ng aking plano – katakot-takot na pagsubok ang pinagdaraanan ng grupo mula sa umpisa hanggang ngayon. Isa na riyan na lokohin ka ng pinagkatiwalaan mo, at mga mapanirang nasama sa grupo. Idagdag pa ang personal na pagkabigo sa mga plano mong pangkabuhayan dahil sa mga mapagsamantalang kababayan. Minsan panghinaan ka ng loob at matatakot dahil parang ang hirap abutin ang “kaitaasan ng matarik na bundok.”
Pero,
kahit ano man ang mangyari, alam ko naririyan ang Poong Maykapal na gumagabay
sa mga naniniwala sa kanya, at gaya ng ginawa niya sa Lupaing Banal(Israel)
matutupad din ang pangarap ng aming grupo at makikita ng lahat na ang tagumpay
natin ay nasa pagtitiwala sa Kanya, at “PAGKAKAISA’’ natin lahat na ibahin ang
takbo at paniniwala sa ating utak. Alam kong magtatagumpay kami, dahil sa ilang beses na halos mawala na ang grupo ay nakatayo pa rin at lalong lumakas.
Kailan ba may "Kuwentong-tagumpay" na hindi muna dumaan sa maraming pagsubok bago natupad ang pangarap? Dahil kong madali sana ang lahat, alam ko, wala na sanang nangarap o sumubok na maging OFW kapalit ng pait ng luha, at sakit sa dibdib na malayo ka sa mga minamahal mo sa buhay!
Kailan ba may "Kuwentong-tagumpay" na hindi muna dumaan sa maraming pagsubok bago natupad ang pangarap? Dahil kong madali sana ang lahat, alam ko, wala na sanang nangarap o sumubok na maging OFW kapalit ng pait ng luha, at sakit sa dibdib na malayo ka sa mga minamahal mo sa buhay!
Siguro, ang pagwawalang bahala ng mga OFW sa Israel ay dala na din ng ginhawang tinatamasa ng mga manggagawa sa lugar na ito. Dito, mas malayang gumalaw at ang kapaligiran ay nahahalintulad na din sa mga bansa sa Europa, at mas malayo sa mga kapahamakang dulot ng pananakit o pang aabuso ng mga amo. Bilang isang manggagawa, na sagana sa mga pangangailangan, at nagagawa laht ang bagay ng may kalayaan, nalilimutan nila na ang laht ng ito ay panandalian lamang, hanggang sa dumating ang panahon na huli na pala ang lahat para mag umpisa uli.
ReplyDeleteKaisa mo ako sa iyong layunin, kabayan..Darating din ang panahon, na marami ang makakaunawa sa ating mga ipinaglalaban.
Tumpak kabayan, isa iyan sa mga dahilan. Dahil napapansin ko sa mga ibang napunta diyan na akala ay nasa langit na sila at dina sila mapapababa sa lupa... I hope we can do something... and start our plannings soon.
ReplyDeleteThank you for dropping by!