TATAK NA MALAS!
By: C’ZAR Kabayan, totoo yata ang kasabihan
Na kung minsa ang kapalaran ng tao ay sadya ng nakatatak
Tatak na dito mo makikita kung s’ya’y swerte o malas!
Baka nga totoo!
Dahil ng aking suriin kung mayroon akong tatak
Ako’y nagulat sa aking natuklasan
Mayroon nga akong tatak!
Tatak na sa pakiwari ko’y hindi swerte kundi malas!
At hindi lang ako kabayan
Ikaw ay mayroon din nito!
At kahit saan man tayo magpunta
Dito nila tayo nakikilala kung sino tayo.
Noon taas noo kong sinasabi
At ipinagmamalaki ang aking tatak sa lahat!
Subalit ngayon ay nanlulumo ako na ito’y sabihin!
Oo, ngayong alam ko na ang sinisimbolo nito
Hindi ko alam kung ito’y aking ipagmamalaki pa rin, o, ikakahiya!
Kabayan, alam nating lahat
Na ang tatak na inilagay sa atin ay parangal
Sa hari ng dayuhang sumakop sa atin!
Ito’y simbolo na tayo’y inari at parang hayop na inalipin!
At ako ngayon ay naniniwala
Na ito ang sanhi ng malas natin!
Dahil sa mahigit isang-daang taon na sinasabing kalayaan natin
Wala tayong asenso kung hindi tayo magpapaalipin!!!
Sa aking pagmumunimuni, kabayan
Ito ang nalaman kong katotohanan!
TAYO’Y ALIPIN PA RIN!!!
Dahil dalawa lamang ang gating pagpipilian
Kakapit ka sa patalim, o, mamatay ka sa kahirapan!
At ang sinsabi nilang ating kalayaan
Ay kalayaan lamang na mamili ng among ating pagsisilbihan!!!
Ngayon ang tanong ko sayo kabayan
Kailan tayo kikilos para burahin na ang sanhi ng malas natin?
Kailan tayo kikilos para gumawa ng tatak na sariling atin,
Baka sakaling matanggal na ang malas natin!!!
Tweet
No comments:
Post a Comment