Sunday, December 11, 2011

Ang Batas sa Mata ng Batang Anak OFW




Bago ako umuwi noong 2010, namasyal muna ako sa kaibigan ko sa Tel-Aviv.  At siyempre, inuman, pulutan, at kuwentuhan. 

Sa aming kuwentuhan ay nabanggit namin ang tungkol sa buhay Pilipinas.  Magmula sa klase ng buhay, trabaho, kurapsyon sa gobyerno, at klase ng batas sa Pilipinas na kung saan medyo tumagal ang mga palitan namin ng mga kuro-kuro kagaya ng disiplina ng mga tao pagdating sa pagpapatupad at pagtupad sa batas.

Habang pinag-uusapan namin ang batas ng Pilipinas, di naiwasan na maikumpara namin sa batas sa Israel at kung papaano ito itinuturo sa eskwelahan, at kung papaano ito sinusunod ng mga mamamayan.

Syempre pagdating sa ugaling Pilipino tungkol sa pagsunod ng mga tao sa batas para sa ikabubuti ng lahat ay puro batikos ang inabot sa amin.  Pero hindi naman lahat ay masama ang sinabi namin. Natutuwa nga kami na pinagkuwentuhan kung papaano nakakalusot ang mga mamamayan sa kanilang katigasan ng ulo, at kawalang hiyaan, na dahil makatao daw ang mga nagpapatupad ng batas ay pikit mata na lamang na pinababayaan na yurakan at ipagwalang bahala ng mga tao ang mga nakasulat na batas pantao.

Pero ng ikumpara namin sa batas ng Israel – kung papaanong ipinapatupad nito ang mga alituntunin na walang pinipili, kahit sino pang mataas na tao sa kanilang gobyerno, ay abot langit ang aming pagsaludo at respeto sa bansa.  Na kahit maliit ay malakas siya at kinatatakutan ng malalaking bansang Muslim. 

Dito naikuwento sa amin ni Pareng Noel ang tungkol sa apat na taong gulang na anak na babae ng kumpare niya.





Isang hapon ng biyernes na kung saan nag-umpisa na ang araw ng Shabat o Sabado sa mga Hudyo ay naganap ang isang pangyayari, kung saan talaga namang nakakabilib ika nga para sa isang batang apat na taong gulang lamang na alam sundin ang batas.  

 Ayon sa kuwento ni pareng Noel, umuwi daw ang mag-anak galing yata isang kasiyahan sa parke o sa isang apartment ng kapwa Pilipino din.  Sila ay nagmamadali sa paglalakad dahil may mga bitbit at kargadang medyo mabigat na kaldero at lamisa na ginamit. Narating nila ang krosing na may mga ilaw pangtrapiko. Sa kabila ng kalsada ay ang kanilang flat.  Tamang-tama na pagdating nila sa krosing ay pumula ang ilaw.

Pero dahil nag-umpisa na ang Shabbat, halos wala ng sasakyan na dumadaan. Kung meron man, ay mga sasakyan na lamang ng mga hindi relihiyoso, o mga palestiniyan, at ibang lahi na may sasakyan.  Dahil bakante ang kalsada at walang sasakyan na dumadaan pagdating nila doon, ang ginawa ng mag-asawa ay dumaan sila kahit nakapula ang ilaw.  Sa pagmamadali, di nila napansin na nagpaiwan pala ang kanilang anak na sumusunod sa kanila sa gilid ng krosing.

Dahil sa kabila lang naman ng krosing ang kanilang apartment ay madali silang nakarating.  Pero medyo hiningal sa pag-akyat sa ikalawang palapag na flat nila.  Pag-upo nila napansin nila na wala pa yong kanilang anak.  Kaya nagtanungan sila kung nasaan ang kanilang anak.

Habang sila ay nasa ganoong situwasyon na nagtatanungan, bumukas ang pintuan at saka biglang bumalibag sa pagsara.  Imbes na matuwa silang mag-asawa dahil dumating ang kanilang anak at wala na silang pagtatalunan, sila ay natulala at natahimik na parang mga bata na pinagsasabihan ng mas matanda sa kanila.

Kasi daw, sabay sa pabalibag na pagsara ng kanilang anak sa pintuan ay galit na galit itong nagsesermon, sabay nakapamaywang ang isang kamay at umaaksyon ang isang kamay, at ang sabi ay, “Lama, lama ima, aba? Lama? Si adom….adom…!”(Bakit, bakit nanay, tatay?  Bakit? Pula, pula…!”) ang sigaw daw sa pautal-utal niyang hebro na salita.   Kahit hindi nakumpleto ng anak nila ang mga sinasabi ay naintindihan nila na siya ay nagalit dahil lumiban sila sa krosing kahit pula ang ilaw.  Ito kasi ay itinuturo sa mga bata sa kanilang pinapasukan na Gan Yeladim o Daycare Center. At dahil alam nilang sila ay mali ay tumahimik na lang sila at nangako na hindi na nila iyon uulitin.

Natawa kaming mga nakikinig, pero alam namin na iyon talaga ang dapat gawin.  Ang sumunod sa batas.  Lalo na sa ating mga magulang dahil tayo ang mga tinutularan ng ating mga anak.




Friday, December 9, 2011

Talking to a Drug Mule



The news about our countryman executed in China for the crime of drug trafficking greeted most of us early in the  morning of December 9, 2011, when we clicked our yahoo messenger.

The man was calmed according to our vice-president, V-president Jejomar Binay, though his family was crying. 

The fact that he was calmed implies that he accepted his upshot because of what he did.  He knows long time ago that this is the extreme result of what he did if he was caught – the price he would pay for gambling with his life. On the other hand, he knew that if he were not caught, it would have been a long time financial freedom – not only for him, but also for his family. 

However, the question left with us is to marvel “How” they became involved with such kind of work because the “Why” question is obvious with us that money is the end point of it.

Luckily, about a few months ago, I was able to speak with a person involved in such a kind of work one time when I chanced to sit with him in a bus going up to Baguio city.  That conversation gave me little knowledge on how these drug mules as they are called, got into the business whether knowingly or not.

I do not remember how we started to talk, but I remember that in the middle of our conversation the topic went from a casual to about how hard to find a decent job here in the Philippines that could pay enough to about life abroad. 

He said he was an x-abroad. First, he worked in Africa in a tunnel, but when the company’s contract was finished in two years, same goes with their contract, and were sent home.  They were told to be ready for a call when the company find another work for them.  However, the waiting was long that his savings dwindled. 

He applied again for an offer to work abroad, but quit after more than a month. By the time we talked, he was trying to find another opportunity to go abroad again.

Out of curiosity, I asked what was wrong with his last work. He said nothing was wrong, but he felt it was dangerous.  I don’t know what was that mean, so I pressed him to tell me more by asking more questions, while telling him stories about the adversities of being an OFW, hoping that would make him comfortable to tell me his story – which he did.

He applied with one of the agencies in Manila, which was recommended by a friend.  When he went to inquire about what job have they got to offer, he was told to just submit his bio-data, Xerox copy of his passport, NBI, and of course a few cash for processing his papers and to pay the agency.  He didn’t have to worry about his plane ticket because it was paid by the hiring company.   However, he did not know what was the job, but he was told he will know it when he will arrive at the place because they will be trained and be assigned to the work they are most effective.  In addition, there was no particular place or country was given because the hiring company has many contracts in different countries, so they will know it when they will be there.

In just barely a month passed by, he was informed to be ready and was given the date of his flight.  Furthermore, the agency told him not to carry so many clothes because the company will provide it to him.

At the NAIA airport, he was told he has a suitcase in his name, and that he doesn’t have to worry because everything is okay, he only have to enjoy the travel.

He took a PAL flight from Manila to Hongkong, and in Hongkong, he transferred to another plane.  The next thing he knew, he was in Turkey.  He really had no idea what was going on, so he just went on with what was coming next, anyway he was not doing anything and he was enjoying the travel, the food at the hotels, and new places he saw. 

He said from Turkey, he had two more stops in Europe, then to China, back to Hongkong then Philippines.  He was like a tourist; however, he said it was scary, and did not do it again. 





According to him, he did not see the luggage and didn’t really know what was it, but he was not dumb to not know and suspect he was used to do something illegal. He said he met two people who were doing the travels many times already, and learned from them that there were more involved with the trade.  Sometimes, they go alone and other times two or three of them.


The money involved is enticing, because if you did it three times or more in few months, you can stop and have enough money.  The pot money he said ranged from P150K – P240K/travel or trip.  That is why some are really taking the chance, even though they know their life is at stake.

I asked him why he didn’t give another shot, and he shook his head, and said, “While the pot money is real money, I won’t take the chance because I love my family, and I want to enjoy life.  I’d rather find a job knowing I am alive tomorrow, than playing Russian roulette where in you do not know if you’re still alive the next day!”

I asked if he knew the one that was just executed in China a month before - he said, “No, but that one scared me,” he said.   


Saturday, December 3, 2011

Utak OFW



Isang bagay ang laging bumabalik sa aking isip tuwing naaalala ko ang buhay ng isang OFW – kung bakit karamihan ay walang magandang nangyayari sa buhay kahit ba tumagal sila ng ilang taon sa ibang bansa.

Noong panahon na ako’y naroon, lagi kong iniisip, “Ano ang gagawin ko para sa madaling panahon ay makauwi na ako,” at syempre, na sana sa aking pag-uwi ay meron akong uuwian na panggagalingan ng ikabubuhay ng pamilya ko - na hindi ko na uli iisipin ang magbalik abroad. Lahat kasi ng kilala kong nag-abroad sa aking lugar, ay bumalik ulit kahit na gusto na sanang manatili sa piling ng pamilya. Pero dala ng walang pagkakakitaan at lumalawak na pagkagastusan, ay pikit mata at kagat ang labi na muling lumayo para sa “komon-rason” – kinabukasan ng mga anak!

Noong ako’y nasa lupain ng mga hudyo, sinubukan kong ilabas ang aking nasa isip sa mga kasamahan doon. 

Una, ay sa organisasyon na aking sinalihan.  Sinabi ko na ang organisasyon namin ay katulad ng isang higante na kapag gumalaw at gagamitin ang lakas, malaki ang magagawa niyang ikabubuti ng lahat ng miyembro. Inilahad ko ang isang plano – kami ay magkontribusyon ng pera at magpapatayo ng isang kooperatiba sa aming lugar sa Pilipinas para magtayo ng negosyo na ang bawat miyembro ay magkakaroon ng dibidendo.  Subalit sa una pa lang ay sinalubong agad ng malakas na hindi pagsang-ayon mula sa mga inaasahan ko na lider.  At karamihan sa mga miyembro ay sumunod sa kanila.  Inilahad ang lahat ng negatibong rason at wala man lang nagtanong kung papaano ang gagawin sana para mapag-aralan kung may pag-asang magtatagumpay.

Pangalawa, ay binanggit ko sa mga kabarkada ko habang kami ay nag-uusap tungkol sa buhay ng Pilipinas, pero kaagad ang sagot ay bakit daw yon ang pinag-uusapan namin.  Ang importante maayos ang trabaho namin at nagpapadala ng pera ay ayos na.  Kasunod ng mga negatibong rason at halimbawa ng mga sumubok na lahat ay walang nangyari.  Nariyan ka na walang pag-asa ang negosyo sa Pilipinas, at mga pera ng miyembro na itinakbo ng mga nagtatag. Sa ganoong sagot ay napailing ako at dismayado na gaya noong una ay walang makikinig sa akin.  Sabagay sino nga ba naman ako, at totoo naman ang mga rason nila, eh.

Subalit ako’y di  pinapatulog ng isipin ko – ganoon na lang ba kami habang buhay - isang OFW. Laging sumisiksik sa isipan ko ang mga nakita kong ex-abroad na sana ay gusto ng manatili sa piling ng mga anak, pero bumalik ulit at iniwanan ang kanilang pamilya.  At ang totoo ay meron din akong mga pinsan na maliliit ang mga anak ng iwanan, at ngayon may mga apo na - pero naroon pa rin sila.  Ako nga apat na taon lang yong aking panganay ng iniwan ko at ang bunso ko na pangatlo ay isang taon lamang!

Kaya minsan na may mga kakilala akong kababayan nag-iinuman sa ibaba ng apartment na tinitirahan namin, nakiupo rin ako at tumagay, para makipagkuwentuhan at makibalita kung anong isyu. 

Sa gitna ng kuwentuhan na ang paksa ay buhay Pilipinas na, nailabas ko uli yong aking nasa isip, at napatanong ako tungkol sa kung ano mga plano nila at ano na ang mga proyektong naumpisahan. Subalit, biglang binago ang usapin na ang sabi bakit daw yon ang pinag-uusapan namin. Mga pagod sa trabaho at minsan lang makalabas kaya inuman na lang at magpulutan.  Total kahit ano gawin daw ay wala naman talagang pag-asang magtatagumpay ang negosyo sa Pilipinas dahil pinapatay ng mga malalaking negosyante, at mga kababayan na ugaling “Talangka!”  Kaya tuloy ang inuman, at gaya ng lahat ng mga kuwentuhan ay napunta sa payabangan. 

Ang isa nagkuwento tungkol sa ilang kababayan na babae ang natikman at kung sino ang mga babaeng gusto pang “Tuhugin” kong magkaroon siya ng pagkakataon na maangkin.  Meron naman ipinagyabang na may natikman na babaeng banyaga.  Yong iba naman ay ipinagyabang yong mga binugbog na Thailander, at yong isang kababayan na hinusgahang traidor dahil umawat siya at mistulang yong Thailander pa ang kinakampihan.  Meron din ipinagyabang, na kahit di na siya magtrabaho ay binubuhay naman siya ng mga babaeng "koleksyon" niya at inaanakan lang.  


Pakiramdam ko noon ay "Out-of-place" ako.  Mabuti na lang marami na akong mahangin na naging kasama noong kapanahunang ako'y wala rin sa landas kaya tumahimik na lang ako - sabay tungga sa bote ng beer at pulot sa pulutang hita ng manok na niluto sa oven, at higop sabaw ng "papaitan" karne ng kambing!

Marami pang beses na tinangka kong buksan ang paksa at plano sa mga kababayan at mga kaibigan, pero iisa ang payo sa akin – “Walang mangyayari diyan kabayan/kaibigan, dahil corrupt ang gobyerno natin at alam naman natin ang utak talangka na mga kababayan natin.”

Hindi naman ako lubusan na bigo, dahil may mga kababayan pa rin na naniwala sa aking adhikain at meron kaming itinayo na grupo na ang bisyon ay kalayaang pinansyal sa bawat miyembro, lalo na sa mga OFW.  Ang misyon ay makauwi sana ang lahat ng miyembrong OFW, at dina sana iiwanan uli ang pamilya.   




At totoo nga ang mga narinig kong kinatatakutan ng mga kababayan na una kong pinagsabihan ng aking plano – katakot-takot na pagsubok ang pinagdaraanan ng grupo mula sa umpisa hanggang ngayon.  Isa na riyan na lokohin ka ng pinagkatiwalaan mo, at mga mapanirang nasama sa grupo.  Idagdag pa ang personal na pagkabigo sa mga plano mong pangkabuhayan dahil sa mga mapagsamantalang kababayan.  Minsan panghinaan ka ng loob at matatakot dahil parang ang hirap abutin ang “kaitaasan ng matarik na bundok.”

Pero, kahit ano man ang mangyari, alam ko naririyan ang Poong Maykapal na gumagabay sa mga naniniwala sa kanya, at gaya ng ginawa niya sa Lupaing Banal(Israel) matutupad din ang pangarap ng aming grupo at makikita ng lahat na ang tagumpay natin ay nasa pagtitiwala sa Kanya, at “PAGKAKAISA’’ natin lahat na ibahin ang takbo at paniniwala sa ating utak.   Alam kong magtatagumpay kami, dahil sa ilang beses na halos mawala na ang grupo ay nakatayo pa rin at lalong lumakas.

Kailan ba may "Kuwentong-tagumpay" na hindi muna dumaan sa maraming pagsubok bago natupad ang pangarap?  Dahil kong madali sana ang lahat, alam ko, wala na sanang nangarap o sumubok na maging OFW kapalit ng pait ng luha, at sakit sa dibdib na malayo ka sa mga minamahal mo sa buhay!


Thursday, December 1, 2011

The largest 10 Commandments Edifice



Baguio City had just increased an attraction to its array of tourists' spots, making it for tourists worthwhile to visit the place.  A month ago, the city witnessed the inauguration of the Largest 10 Commandments edifice found at Dominican Hill, Baguio City, Philippines. 

It is about 5 miles away from Kennon road where I stay, or 15 minutes away by a car without the troublesome traffic caused by the road renovations, they are doing in the main road going out from the city.  

                  Fig. 1  The 10 commandments building
                                 



               Fig.  2  The 10 commandments



                Fig.  3  Olive tree of peace planted in front of the building


The edifice was inaugurated last October 25, 2011. It was donated by the Kingdom of Jerusalem Halleluyah Foundation International founded by Grace Galindez Gupana.

The Ten Commandments tablet has earned the Guinness Book of World  Records for its size of 1,645 square feet or 152.90 square meters.

The city will gain a lot from this gesture.   While the place is dedicated primarily to become the “Prayer Mountain” like Mt. Zion in Jerusalem Israel, the place could also attract more tourists to come to see the place and pray at the same time. 

A big plus factor is you will pass by the Lourdes Grotto which is also a tourists attraction for the city. It is only about 500 meters away and you’ll reach the place where the 10 commandments’ edifice. So, it is worth to plan ahead in order to make the best of your time on how you go about the visit.


Monday, November 28, 2011

Itay, Inay Nasaan Ka?



 This is a song/poem I penned three months ago. About the loneliness of a child because parents went abroad leaving the child in the care of someone else.  It pictures the feeling felt by the child:


Nasaan na ang tinatawag na ilaw ng tahanan

Nasa malayo nagsisilbing magulang nang

Mga anak ng kanyang among pinagsisilbihan.

Hindi alam kung kailan muling mabigyan



Ng pagkakataon na Makita Ang anak na naghihintay

Nasaan na ang tinatawag na haligi ng tahanan

Nasa malayo nagsisilbing utusan nang

Kanyang among gustong-gusto niyang tularan

Hindi alam kung kailan muling mabigyan

Ng pagkakataon na makita

Ang anak na naghihintay


KORO

Itay, inay nasaanka?

Init ng inyong yakap ay lumamig na

Pinalitan ng perang pinapadala

Pambili ng Ice cream para malimutan ka. Itay, inay nasaan kayo?

Kailangan ko ang mga yakap nyo

H’wag nyo sanang bayaran

Ang hinihiling ko Kailangan ko ay kayo

Nasaan na ang mga ilaw at haligi ng tahanan

Nasa malayo naghahanap buhay para

Sa kinabukasan ng anak na minamahal daw

Ngunit ang hindi ko maintindihan

Taon-taon na ang nakaraan di pa

Umuuwi mga apo na ang binubuhay



Wednesday, November 23, 2011

Gloria Macapagal Arroyo: Bayani ba o Hindi?



Kung pumanaw si GMA, nararapat ba siyang ilibing sa Libingan Ng Mga Bayani?

“Sa ilalim ng AFP Regulations G 161-373 o The Allocation of Cemetery Plots at the LNMB, bukod sa mga beterano ng digmaan at mga dakilang sundalo, ilan pa sa mga maaaring ihimlay sa LNMB ay ang mga naging pangulo ng bansa, secretary ng national defense, AFP Chief of Staff, at mga dignitaryo, statesmen, national artists at iba pang pumanaw na personalidad na binigyan ng pahintulot ng pangulo ng bansa, ng Kongreso o ng defense secretary na mailibing dito. -- FRJimenez, GMA News …. http://www.gmanews.tv/story/236929/odds-and-ends/dating-tawag-sa-libingan-ng-mga-bayani”">http://www.gmanews.tv/story/236929/odds-and-ends/dating-tawag-sa-libingan-ng-mga-bayani

Sa nangyayari ngayon, kay Ginang Glorya Macapagal Aroyo, mukhang meron uling isang naging president na magiging kontrobersyal ang kanyang huling hantungan!

Oooopppsss, masyado bang maaga? Hmmmm, sa tingin ko ganoon ka-advance mag-isip ang mga tao, eh. Kung ito’y aking naiisip, naniniwala ako na marami din ang nakakaisip sa tanong na ito. At mabuting mapag-usap-usapan na ng mas maaga para mapaghandaan na ng gobyerno ang mga dapat na hakbang para hindi na naman sila malilito pagdating ng oras, at para mapaghandaan na rin ng mga mamamayan.

Kung ang kanyang pagpunta sa ibang bansa sana para magpagamot ay hindi pinaunlakan “despite those pitiful look effect with matching wheelchair” at kahit ang korte suprema ay nagmistulang walang silbi, naiisip ko na “Ano kaya ang mangyayari kay Ginang GMA kung siya ay kukunin na para doon na sa kabilang buhay gagamutin?”

Hindi ako manghuhula, pero bilang caregiver ng sampung taon, ang epekto ng mga nagyayari sa kanya, gaya ng ulcer like na karamdaman, matamlay na pagkain, at stress na kalauna’y nagiging depresyon, idagdag pa riyan ang masamang epekto mga gamot na iniinom, nakikita kong bilang na ang araw ng dating pangulo kung hindi pa siya tantanan sa mga ikinakaso sa kanya - unless na pang-Famas ung mga nakikita natin sa TV at mga media.

Kung ako’y tatanungin, baka matagal ang dalawang taon. Pero sana naman ay malusutan niya ito, dahil alam kong mas gugustuhin ng mga mamamayan na nakikita siyang naghihirap kaysa mamayapa kaagad(Well, ganyan katindi magtanim ng galit ang mga Pinoy, eh)

At sa matinding galit sa kanya ng pamahalaan at ng mga ibang taong bayan, na halos isisi sa kanya ang lahat ng kasalanan sa mundo, “Ililibing kaya siya sa libingan ng mga bayani?”

Sa aking hinuha, ay malaking “HINDI” ang sagot. Nasisiguro kong ito ay ipagkakait din sa minsan ay naging lider ng bansang Pilipinas.

Bakit?


Kung ating pagmamasdan ng mabuti ang reaksyon ng mga mamamayan, ang tingin kay Ginang Macapagal-Arroyo ngayon ay siya ang dahilan ng paghihirap ng buong Pilipinas – “halimaw” ang tingin sa kanya ngayon. At bilang isang tao na gumawa ng hindi karapatdapat sa bansang mahal ay hindi nararapat na ilibing sa Libingan ng mga Bayani, dahil ang mga inililibing lamang doon ay mga mabubuting tao lamang.

Malaki ang posibilidad na ito ay manyayari, at magiging isang malaking dagok-insulto sa dignidad ng mga Arroyo.  Sa mga gaya kong mahilig sa pelikula, alam na natin ang susunod na drama, ipaglalaban na walang ginawang kasalanan si GMA - na siya ay biktima lamang ng maruming pulitika.

Hold your breathe mga kabayan, isang suspense at true story is in the making. Nasasaksihan natin ang isang tunay na storya ng buhay.  At ang maganda nito, kasama tayong lahat na mamamayan sa sotrya, at hindi lang ekstra, dahil kung ano man ang katapusan ng drama ay apektado rin ang ating buhay!

Ano kaya ang mangyayari? Paglalabanan na naman kaya ito sa hukuman? Ngayon pa lang ay alam na natin na siguradong ito ay aabot sa katas-taasang hukuman ng ating bansa - ang Korte Suprema? Pagdating sa korte suprema, ano kaya ang magiging desisyon? Ang suspens dito Kabayan ay alam naman natin na hindi pwedeng pagkatiwalaan ang anuman na desisyon ng Korte suprema.  Ano kaya ang desisyon ni DOJ de Lima at Pangulong Noynoy?  At bilang kasama sa drama, siguradong may gagawin na pagsusuri sa ating mga mamamayan kung ano ang ating opinyon - at nasisiguro ko na doon ibabatay ng administrasyon ang husga kay GMA! Mababaliwala na naman ba ang ating batas konstitusyon?

Ngayon, kung ikaw ang tatanungin, ano ang sagot mo sa tanong na ito, “Bilang naging isang presidente ng bansang Pilipinas, payag ka bang ilibing si Ginang Gloria Macapagal-Arroyo sa libingan ng mga bayani?”

Tuesday, November 22, 2011

Sagada: New Summer Capital of the Philippines


If, in case, Baguio City will lost its title as the summer capital of the Philippines, Sagada is very much ready to take-over!

We went home to Sagada last week to show our respect to a dead relative of my wife. I was so amazed by the cold weather temperature of the place. It was so cold that I call it the new summer capital of the Philippines.  If I guessed it right, it was on the 10 degrees centigrade to 12 degrees centigrade.

When I first arrived to Baguio in 1986, it was also cold, and you have to pray the sun comes out to warm up the air, but now, even with the sun is way beyond the dark clouds, you would feel like you’re inside a bakery.  Because Baguio city had lost a lot of its trees due to the establishment of new buildings, its title as the Summer Capital of the Philippines is also weakening. And anyone who have gone to Sagada will agree, that Sagada is now the best destination for people who wants to cool off.

As we were leaving Baguio City in our way to Sagada, it was so warm that you think you are in the lowlands.  The temperature was humid and the smell of the air is not fresh anymore because of so much smoke coming out from cars, and jitneys running on the road – add to it the slow traffic caused by road repairs being done by the DPWH(Department of Public Works and Highways)

I am not a resident of Sagada but it is the place, where my father was born; it was the place his ancestors’ were born and dead.   

Sagada was full of ghost stories and, according to my father, many were true.  This was due to the people's of the old times strong belief of "Anito" or spirit of the dead.  One story my father always told was a person could be carried out literally by ghosts and brought out of the dap-ay (it’s like a nipa hut where men sleeps during the night in the old days, and serves as the justice hall/barangay hall of the community to settle disputes) Aside from the ghost stories, there were also many stories of events that shaped the life of the people of Sagada.

Going there is very exciting.  You travel passing by the Mountain trail where most vegetables that supplies Manila are coming from, like, cabbages, carrots, lettuces, baguio beans, and more.  Aside from the gardens, you will see thick forests of Pine trees, and occasional waterfalls, and thick fogs, which make you think, “Am I in the first level of heaven?”

When you go to Sagada, be sure to bring with you thick jackets if your skin is too thin for the cold weather.  Traveling Mountain trail or now known as the Halsema highway could make you shiver to the bone with cold.  But, don’t you worry, if you came from the polluted parts of the country, be sure that the clean air will recharge you with pure energy, thus it is worth the adventure.

If you do not believe me, here is a story of one of the people I saw,  a cousin of my wife who told me his story when I wrongly assumed  he still resides in Baguio city.  He said, he had a bypass operation in 2002, and he had trouble breathing when he walks even for a short distance.  In fact, even when he is at home, he feels like being choked and his breathing becomes heavy.

One time, when there was a wedding in Sagada where they were invited, he went home to attend the wedding.  Once he was there, he already noticed a difference in his energy.  He said, he walked without the feeling of being out of breathe, and don’t have to stop to regain his strength.  Right on that moment he told his wife, “Sagada is my home, let us stay here” which his wife happily accepted.

Aside from the cold weather, most of their culture is still preserved which shows you are in a real vacation, especially when you want to forget about the hassles of life in the city. 

Places you can see in Sagada:  Sumaguing cave, hanging coffins, green mountains, old houses, and most of all you could learn firsthand their traditions and culture on how they conduct weddings, which is done after the couple already have a child or more.* How they attend to their dead, and many more unbelievable practices that makes your thinking travel back on the old days of Philippines history.

The people of Sagada are the most friendly, and peaceful people of the cordillera, even during the time of the uncivilized generation of head hunting.  It’s only the people who have fear of their god Kabunyan.  They are the only people who have the word “Inayan” which has no exact translation in English; however, it means, “it is not nice to do bad” especially against your fellow men.

The following images are just some of the views and things you will see and learn when you come to visit.  When you get here, you can ask for tourist guides who will be very much happy to take you around with a minimal fee.


Fig. 1 = This is one of the common scene you'll see as you go up the mountains on your way to Sagada.

Fig. 2 = The Highest Point


Fig. 3

Fig. 4 = The houses you can see at the entrance of Sagada




Fig. 5 = One of the forests of Sagada


Fig. 6 = The century hanging coffins(pointed by the arrows)


Fig. 7 = The traditional way we cook meat, we call it "anger"(a-nger like in apple) or boiled meat with only salt added


Fig. 8 = The "Apag" or serving of wine to those who wants drink to fight the cold weather; This was usually a rice wine(Tapey) in the old,old days.


Fig. 9 = A collection of urinary bladder of pigs butchered during the wake


Fig 10 = Meat being chopped to be cooked


Fig. 11 = It was raining, and Two kids taking advantage of a shade provided by the side of the mountain



Fig. 12 = A foreigner just arrived at the poblacion Sagada or Sagada main center where the police station, market, and business area


Fig. 13 = A man doing his job. Home based wood works is one of the source of income


Fig. 14 = A woman from visayas region selling sweet oranges on the side of the road.


Fig. 15 = Hotel is one of the thriving business in Sagada, so don't worry of a place where to stay


Fig. 16 = Bugang one of the barangays of Sagada


Fig. 17 = The rocks where the dead of the old days were brought up; either the folks hang the coffins with the dead, or make a hole on the side of the rocks and push in the coffin with the dead, or find a cave to put down the dead.

These and more are the excitements you can see when you visit Sagada - the new summer capital of the Philippines!